BALYADORA
ni: Karen Grampil
MATINDE talaga ang asim ng operator ng SUGAL sa RIZAL PPO, ang layo panga ng FIESTA, agad nang INILATAG ang PERYA-SUGALAN na inaabot ng pamorningan.Ang masama,ang peryahan na ito ay hindi purely RIDES at ENTERTAINMENT dahil meron silang mga MESA sa loob na nagki-CATER ng malakasang SUGAL na tila MINI CASINO kung saan LIBO-LIBO ang naging tayaan. Gaya ng DROP BALLS, COLOR GAMES, BETO-BETO at TEREMBE.
Ang itinuturong gambling operator ay alyas ALENG TOYANG na ang nagpapakbo ay isa umanong Barangay Kagawad ALLAN. Hmp, Bawal ito.
Hindi raw po bababa sa LABINGLIMANG (15) MESA ang iba’t ibang PASUGAL ang nakalatag sa PERYA/SUGALAN na matatagpuan d'yan sa poblacion sa bayan ng BINANGONAN RIZAL, kung saan ang karamihan daw ng nagsusugal ay mga kabataan at estudyante.
Aba, Rizal Provincial Director Senior Supt.Manuel Cesar Prieto, nagtatrabaho pa ba kayo? pati ang mga LESPU mo? O baka naman naghihintay na lang ng ‘PARATING’?!
Parang okey-okey lang sa inyo PD PRIETO na RUMARAKET ang mga operator ng PERYA/SUGALAN d’yan sa AoR ninyo, mula sa baon ng mga batang estudyante?!
Wala ba kayong mga anak? At hindi man lang kayo tinatablan ng HIYA? INUUMAGA ang PERYA/SUGALAN d’yan sa AoR ninyo?!
RIZAL PD PRIETO, Sir, hindi kayo LUMPO o PARALISADO, kaya kumilos kayo!
@@@
Ugaliing Makinig sa programang "bandera pilipino sa radyo" tuwing sabado alas 9:30 ng umaga sa DWSS 1494 khz
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento