BALYADOR
ni: Ronald Bula BAKIT hindi naisama sa listahan ng mga dapat managot sa pagbili ng second hand helicopters si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen.Jesus Verzosa. Mismong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ay hindi rin matanggap lalo’t bukod si Verzosa pa ang PNP chief noong binili ang mga helicopter na pag-aari umano ng pamilya Arroyo, siya mismo ang pumirma ng mga dokumento at tseke. Marami sigurong naambunan si General sa PNP kaya TAHIMIK siya sa ngayon. Pero nakatitiyak po akong sasabit at walang LIGTAS si Verzosa at iba pang involved sa isyu ng mga lumang chopper. Anak kayo ng INA ninyo, imposibleng hindi alam ng PNP officials noon na hindi BRAND NEW ang mga nabili nilang sasakyang panghimpapawid. Matatalino ang mga opisyal na ‘yan. Matataas ang pinag-aralan. Magagaling sa intelligence gathering. Wala akong nakikitang dahilan para sila ay mapalusutan ng mga BUGOK sa PNP. Alam nila ang lahat ng nangyayari diyan. Tamaan sana ng kidlat ang magsisinungaling, Kung walang kinalaman si Verzosa at iba pang opisyal sa naturang katarantaduhang deal, malamang na napilit sila ni dating First Gentleman Mike Arroyo? Di rin! Malabo! May pabaon siguro!
Kunsabagay, SUPER lakas ang ebidensiyang nakuha ng DILG na pinagsawaan ng mga Arroyo Family ang naturang mga second choppers. Ginawang service ng pamilya ni Mikey Arroyo. Napakasuwerteng mga anak. BWISIT!!!!
At ito pa. Si Gen. Eliseo Dela Paz, na mas mapalad kaysa dating military comptroller Carlos Garcia dahil hindi pa nakukulong sa pagkaka-involve sa pagbibitbit ng limpak-limpak na sa-lapi sa Russia ilang taon na ang nakararaan. Tinaguriang “Euro general,” si Eliseo at kanyang asawa ay sabit din. Kasama rin nila noon ang asawa ng isang PNP chief. Holiday vacation ang masusuwerteng nilalang habang nagugutom ang napakaraming Pinoy. Nakapiyansa at pansamantalang nakalalaya si dela Paz.
Kaisa tayo sa milyon tao na nananalangin na makulong nang tuluyan ang mga nagpapasasa sa KABAN ng BAYAN. .
Ang DAANG MATUWID ni P-noy ay isang polisiyang marami ang hindi natutuwa. Sa dami ba naman ng magnanakaw sa gobyerno. Medyo nawawalan na rin ako ng pananampalataya at PIKON na rin kay Pangulong Aquino dahil sa kanyang pamumuno ay sang ayon naman akong dapat sawatahin at isa-isahing ilantad na ang kademonyohang nakawan sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Mula nang nawala si dating Pangulong Ferdinand Marcos, dumami na ang mga MAGNANAKAW at mas tuminde at LUMALA ang korupsiyon sa pamahalaan. Lahat siga. Lahat BOSS. Wala na kasing kinatatakutan ang mga ANIMAL. Mga pesteng YAWA kayo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento