Huwebes, Hulyo 28, 2011

"Bakit STL at Jueteng lang ang nakikita ng SENADO?"

BOMBA
ni: Rhommel Rentoria

Sabi ni Senator Jinggoy, bakit ‘yang sugal ng mahihirap ang kitang-kita ‘bakit hindi ‘yung sugal ng mayayaman? oo nga naman!
Meron pang isa, Senator Jinggoy, ‘e yung mga SUGAL LUPA,VIDEO KARERA,LOTTENG,EZ2,SUERTRES at BOOKIES? Hindi ba alam ng magigiting nating mga mambabatas na malaki rin ang kinikita d’yan ng mga ilegalista? milyones po para sa kaalaman ninyo!
Gaya na lang d’yan sa NOVALICHES ERYA, na  riyan din ang sangkaterbang VIDEO KARERA nina alyas DANNY 'DAKNI" SANTOS at alyas ART RIVERA.illegal bookies ng karera at lotteng ni PINONG.
Sina APENG SY at TOM SIR-QUESA ng Maynila.
Ang SAKLA ni LOLO PENGGOY sa Malabon at ni AGING TULISAN sa Navotas at Velanzuela.
Ang SAKLAAN din ni KAILLES at Video Karera ni Mr. ONG sa ParaƱaque
Ang JUETENG ni TONY ‘Bolok’ SANTOS sa Central 1 at sa Caloocan Central at north. Meron din jueteng sa Malabon nina TRIPLE 1 at LAS-LAS. Naturalmente kaya bang itumba ang bangka ng SAKLA na si LUCY SANTOS sa Caloocan?
Teka, totoo kayang napahinto na ang Video Karera ni REY RECTO. Ayon sa ating impormante namamayagpag na daw sa 32 barangay sa Valenzuela na pinamamahalaan ng isang alyas RODEL.
Ang dami n’yan mga kagalang-galang na Mambabatas … isama n’yo kaya ‘yan sa mga dapat ninyong busisiin para naman makita at malaman ninyo kung sino-sino ang mga nakikinabang na naka tara sa kanilang mga BLUE BOOK?!
Kaya nyo ba?!

"Magkano ang ‘Timbre’ ng WILD QUEEN at HITWAVE kay P/Supt. Mar Reyes ng CHAPA?"

KALASAG
ni: Cris Consad
ANG matindeng tanong ng mga ESPIYANG GALA natin kay CHAPA Chief, Supt.MAR REYES kaugnay ng namamayagpag na KABABUYAN at KALASWAAN sa loob ng mga nightclub tulad ng HITWAVE DISCO at WILD QUEEN DISCO na matatagpuan sa kahabaan ng RIZAL AVENUE at CM RECTO sa MAYNILA na pag-aari umano ng isang alyas OBET CHUA at isang pulis SGT.RYAN PUNZALAN?!
 

Ang sabi kasi, ‘TIMBRADO’ na raw ang mga ‘yan sa CHAPA?
 
MAGKANO ‘este’ ANO ba talaga  ang totoo, SUPT.REYES?

Paki-KLARO lang po, Sir!

By the way KERNEL, may INFO tayong natanggap na malakas din daw ang bentahan ng ’DROGA’ d’yan sa mga nabanggit na establisimyento.

Pwede bang pamanmanan mo mga ’yan COL.REYES?!
May KABUNTOT pa ito sa next isyu!

                                         @@@

 CONCERN CITIZEN lang po MR.KALASAG, gus2 qlang po ipaabot s inyong kaalaman n d2 po s amin s rizal ay talamak ang pangingikil ng isang opisyal n nag ngangalang TATA RUDY. kYA siya nangingikil dhil di umano sya ang nagpapakain s mga police n naka base s 418-419 at public safety. +6391920077++++

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

"PD DECANIO ...bulag nga ba at inutil???"

CES-FIRE
ni: Ces Jarencio
LUBHA yatang talamak na ang kriminalidad ng lungsod ng CAMANAVA,partikular na sa MALABON,bunsod ito ng mga naiuulat na nabibiktima ng talamak na "RIDING IN TANDEM"na lumalaganap sa nasabing lugar..Pawang mga negosyanteng legal ang trabaho pa ang nabibiktima ng mga halang ang kaluluwa...AT tila nagbubulag bulagan lamang diumano ang POLICE DIRECTOR dito.??halos tahanan na din ng mga illigalista ang mga lungsod na kanyang nasasakupan lalo na ang caloocan,kung saan walang humpay ang pa HUWETENG ng mga hinayupak ng negosyante kuno...

HANEP nga naman ang kapit nila na tila diumano inutil na sa pwesto???..dahil sa kawalan ng aksyon laban sa mga karumal dula na gawain..idagdag mo pa ang mga "bahay putahan "na nakahilera diyan sa monumento..aba kahit na menor de edad nakakapag trabaho diyan..Magkano naman kaya ang parating ng mga UNGGOY na negosyante sa kapulisan diyan??ehem..para nga namang pinupulot ang salapi sa ganyang hanap AWAY..este hanap BUHAY pala...

SUBUKIN mo ngang hagilapin ang mga kapulisan dito upang hingan ng reaksiyon..aba..e para pang may sakit ka at silay iiwas..ANO kaya ang itinatago ng mga ito???MGA bulag diyan sa CAMANAVA...KINATATAKUTAN NA ANG LUGAR NYO..OO MAY POLICE VISIBILITY..panay naman ang ikot sa mga makokotongan nila...pataas na ng pataas ang krimen at tila balewala lang ito..??WAg po tayong maging inutil...ipatiogil ninyo at sugpuin ang masamang gawain sa AOR ninyo...MAHIYA NAMAN KAYO...

"SALUDO AKO SAYO...GEN.PAGDILAO...!!!!"

MATA NG BAYAN
ni: Rene Tubongbanua

Isang hindi malilimutang araw para kay PNP Criminal Investigation and Detection Group Director Samuel 'Sammy" Pagdilao,ang naganap noong lunes(July 11.2011),sapagkat dumating na ang bunga ng kanyang pagsisikap..ito ay ang kanyang promosyon...
    Limang taon ang hinintay at inasam nitong Phil.Military Academy class of 1979 bago niya nakamit ang kanyang 2nd-star..kasama ang kanyang maybahay na si 'CHAY' at kanyang kapatid na miyembro naman ng class of 1984 sa PMA na si JOEL,iginawad ni PNP Chief Raul Bacalzo ang bagong ranggo sa balikat ni Pagdilao.Tila sinadya ng pagkakataon na si Bacalzo ng PMA class 1977,dating chief PNP Oscar Calderon ng PMA class 1973,at si Pagdilao ay pare parehong nagkaroon ng promosyon at ranggong senior superintendent sa magkatulad na araw noong 1998. 
    Inabot ng halos walong taon bago naramdaman ni Pagdilao ang kanyang pangarap na maging isang ganap na heneral at ito ay nang ma promote siya bilang chief superintendent noong 2006,habang siya ay tgapagsalita pa nuon ng PNP na pinangasiwaan niya sa loob ng 22 buwan.Si pagdilao ay tagapagsalita at hepe ng PNP Public information office mula Feb.13,2006-Dec.31,2007...
    Sa halos lahat ng tagumpay ng mamang ito sa larangan na kanyang tinatahak,anupaman ang balakid na dumating..tunay na ang kabutihan loob ang mangingibabaw..kung kayat ang respeto at tagumpay ay kanyang nakakamit..dahil dito isinunod din ng kanyang mga kapitbahay sa kanyang pangalan ang isang lugar sa taal.batangas kung saan matatagpuan ang kanyang bahay...ito ay ang GEN.PAGDILAO STREET....
     SAYO sir...naway magpatuloy pa ang iyong magandang ehemplo...SALUDO AKO SAYO....

Martes, Hulyo 26, 2011

"Bumili ng "Second hand Helicopters" at "Uero Generals" pagsama-samahin sa Selda"

BALYADOR
ni: Ronald Bula


BAKIT hindi naisama sa listahan ng mga dapat managot sa pagbili ng second hand helicopters si dating Philippine National Police (PNP) chief  Gen.Jesus Verzosa. Mismong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ay hindi rin matanggap lalo’t bukod si Verzosa pa ang PNP chief noong binili ang mga helicopter na pag-aari umano ng pamilya Arroyo, siya mismo ang pumirma ng mga dokumento at tseke. Marami sigurong naambunan si General sa PNP kaya TAHIMIK siya  sa ngayon. Pero nakatitiyak po akong sasabit at walang LIGTAS si Verzosa at iba pang involved sa isyu ng mga lumang chopper. Anak kayo ng INA ninyo, imposibleng hindi alam ng PNP officials noon na hindi BRAND NEW ang mga nabili nilang sasakyang panghimpapawid. Matatalino ang mga opisyal na ‘yan. Matataas ang pinag-aralan. Magagaling sa intelligence gathering. Wala akong nakikitang dahilan para sila ay mapalusutan ng mga BUGOK sa PNP. Alam nila ang lahat ng nangyayari diyan. Tamaan sana ng kidlat ang magsisinungaling, Kung walang kinalaman si Verzosa at iba pang opisyal sa naturang katarantaduhang deal, malamang na napilit sila ni dating First Gentleman Mike Arroyo? Di rin! Malabo! May pabaon siguro!

Kunsabagay, SUPER lakas ang ebidensiyang nakuha ng DILG na pinagsawaan ng mga Arroyo Family ang naturang mga second choppers. Ginawang service ng pamilya ni Mikey Arroyo. Napakasuwerteng mga anak. BWISIT!!!!

At ito pa. Si Gen. Eliseo Dela Paz, na mas mapalad kaysa dating military comptroller Carlos Garcia dahil hindi pa nakukulong sa pagkaka-involve sa pagbibitbit ng limpak-limpak na sa-lapi sa Russia ilang taon na ang nakararaan. Tinaguriang “Euro general,” si Eliseo at kanyang asawa ay sabit din. Kasama rin nila noon ang asawa ng isang PNP chief. Holiday vacation ang masusuwerteng nilalang habang nagugutom ang napakaraming Pinoy. Nakapiyansa at pansamantalang nakalalaya si dela Paz.
Kaisa tayo sa milyon tao na nananalangin na makulong nang tuluyan ang mga nagpapasasa sa KABAN ng BAYAN. .

Ang DAANG MATUWID ni P-noy ay isang polisiyang marami ang hindi natutuwa. Sa dami ba naman ng magnanakaw sa gobyerno. Medyo nawawalan na rin ako ng pananampalataya at PIKON na rin kay Pangulong Aquino dahil sa kanyang pamumuno ay sang ayon naman akong dapat sawatahin at isa-isahing ilantad na ang kademonyohang nakawan sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Mula nang nawala si dating Pangulong Ferdinand Marcos, dumami na ang mga MAGNANAKAW at mas tuminde at LUMALA ang korupsiyon sa pamahalaan. Lahat siga. Lahat BOSS. Wala na kasing kinatatakutan ang mga ANIMAL. Mga pesteng YAWA kayo!

"Perya/Sugalan sa Binangonan,oks lang kay Rizal PD PRIETO?"

BALYADORA
ni: Karen Grampil
MATINDE talaga ang asim ng operator ng SUGAL sa RIZAL PPO, ang layo panga ng FIESTA, agad nang INILATAG ang PERYA-SUGALAN na inaabot ng pamorningan.

Ang masama,ang peryahan na ito ay hindi purely RIDES at ENTERTAINMENT dahil meron silang mga MESA sa loob na nagki-CATER ng malakasang SUGAL na tila MINI CASINO kung saan LIBO-LIBO ang naging tayaan. Gaya ng DROP BALLS, COLOR GAMES, BETO-BETO at TEREMBE.

Ang itinuturong gambling operator ay alyas ALENG TOYANG na ang nagpapakbo ay isa umanong Barangay Kagawad ALLAN. Hmp, Bawal ito.

Hindi raw po bababa sa LABINGLIMANG (15) MESA ang iba’t ibang PASUGAL ang nakalatag sa PERYA/SUGALAN na matatagpuan d'yan sa poblacion sa bayan ng BINANGONAN RIZAL, kung saan ang karamihan daw ng nagsusugal ay mga kabataan at estudyante.

Aba, Rizal Provincial Director Senior Supt.Manuel Cesar Prieto, nagtatrabaho pa ba kayo? pati ang mga LESPU mo? O baka naman naghihintay na lang ng ‘PARATING’?!

Parang okey-okey lang sa inyo PD PRIETO na RUMARAKET ang mga operator ng PERYA/SUGALAN d’yan sa AoR ninyo, mula sa baon ng mga batang estudyante?!

Wala ba kayong mga anak? At hindi man lang kayo tinatablan ng HIYA? INUUMAGA ang PERYA/SUGALAN d’yan sa AoR ninyo?!
RIZAL PD PRIETO, Sir, hindi kayo LUMPO o PARALISADO, kaya kumilos kayo!

@@@

Ugaliing Makinig sa programang "bandera pilipino sa radyo" tuwing sabado alas 9:30 ng umaga sa DWSS 1494 khz

"NEWS DESK BANDERA PILIPINO"

"Patas na laban" tigilan na ang panlalamang"

“ITIGIL ang panlalamang ng mga makapangyarihan, bukal na oportunidad sa lahat at pagtigil ng wangwang sa kalsada, sa gobyerno at lipunan.” Ito ang malinaw na plano ni Pangulong Noynoy Aquino sa bansa sa loob ng anim na taong termino nito kung saan hinamon nito ang bawat isa na makipagtulungan sa pamahalaan at siguradong wala umanong maiiwan sa daang matuwid.
Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sinabi ng Pangulo na kung susundin lamang ng bawat Filipino ang mga nabanggit ay tiyak na manganganak ito ng kumpiyansa na magdadala ng negosyo; sisiguro na ang pondo ng taumbayan ay mapupunta sa dapat nitong kalagyan; imprastruktura na titiyak sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya at pagmumulan ng trabaho at serbisyong panlipunan na sisigurong walang mapag-iiwanan.
Dumalo sa SONA (L-R) sina dating Pangulong Joseph Estrada at Vice-President Jejomar Binay, Mayor Jun Binay (likod) at misis nito na si dating Mayor Elenita.(Kuha ni Ronal Bula)
Alas-3:30 ng hapon nang dumating ang Pangulo sa Kongreso kung saan agad itong sinalubong nina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada at House Speaker Feliciano Belmonte at dumiretso sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).
Tiniyak ng Pangulong Aquino na sa mga susunod pang taon ay marami pang pintuang pangkabuhayan na magbubukas sa pamamagitan ng turismo at hindi magugutom ang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapa­lakas sa agrikultura gayundin ay mabibigyan ng puhunan ang mga dating walang wala.
Nakiusap ang Pangulo sa publiko na magkaroon ng bukas na mata sa mga bagong estilo ng pamamahala sa kanyang administrasyon dahil sa pamamagitan lamang umano ng pagkakaroon ng bukas na mata makikita kung ano ang tama.
“Ngayong tayo na ang nagtitimon sa gobyerno, malinaw ang direksyong tinatahak ng ating bayan.Isang bansa kung saan ang pagkakataon ay abot-kamay; kung saan ang mga nanga­ngailangan ay sinasaklolohan; kung saan may saysay ang bawat patak ng pawis, bawat sandali ng pagtitiis, at bawat butil ng hinagpis na dinaanan natin. Kung may gawin kang mabuti, may babalik sa iyong mabuti. At kung may gawin kang masama, tiyak na mananagot ka,” paliwanag pa ng Pangulo. Idinagdag pa ng Pangulo na ang mga Filipino ang pumili sa kanya para lumikha ng gobyernong tunay na nagtatrabaho kung kaya naman sisiguruhin nitong hindi na babalik ang bansa sa dating kalagayan nito.
Hinamon pa ng Pangulo ang mga Filipino na tapusin na ang kultura ng negatibismo bagkus ay iangat pa ang kapwa-Pilipino sa bawat pagkakataon.
Itigil na rin umano ang paghihilahan pababa at ang dating industriya ng pintasan na hindi maitakwil at dapat nang iwaksi na po natin at tuldukan ang pagiging utak-alimango.
Tiniyak din ni Aquino na ipaglalaban ng gobyerno ang mga inaangkin nitong mga isla sa Spratly Islands sa South China Sea.
Ayon sa Pangulo kung dati ay hindi makuhang makapalag ng bansa sa tuwing sinisindak sa loob mismo ng teritoryo nito sa ngayon umano ay hindi na ganito ang sitwasyon dahil handang ipagtanggol ng pamahalaan kung ano ang pag-aari nito.
“Malinaw ang pahiwatig natin ngayon sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue. Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin,” pahayag ng Pangulo kasabay ng pagsasabi na pinag-aaralan na ng pamahalaan na iakyat ang kaso sa International tribunal for the Law of the Sea.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi lamang salita ang pagsasabi nito na handang ipagtanggol ng bansa ang Spratly Island bagkus ay suportado ito ng lakas at pwersa dahil modernong kagamitan at barko ang tutulong sa militar sa pagbabantay nito sa naturang baybayin bukod pa rito ang pagbili ng mga helicopter, patrol craft at sandata.
Samantala, inamin ni Aquino na pinepersonal nito ang paghahabol sa mga gumawa ng katiwalian kung kaya’t sa kanyang mga kritiko ay hindi ito masisisi kung siya mismo ang gumagawa ng paraan upang masiguro na mapa­panagot ang mga nagkasala.
Bagama’t hindi pinangalanan ni Pangulong Aquino ay patukoy naman ito kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa mga dati nitong gabinete na nagkamal ng malaking pera sa pamahalaan para sa personal na interes.
Tinukoy ng Pangulo ang insidente sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong nakaraaang administrasyon sa pamumuno ni dating PAGCOR Chief Efraim Genuino na gumastos umano ng P1 bilyon para lamang sa kape.
“Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng PAGCOR ay dilat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. Hanapin nga po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po ba kayo?” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ang mali gaano katagal man ito nanatili ay mali pa rin kung kaya’t tunay na personal sa kanya ang paghabol sa mga gumawa ng mali kahit sino pa man ito.
“Hindi puwedeng ‘Oks lang’, wala lang iyan.” Kapag kinalimutan natin ang mga ito, mangyayari lang ulit ang mga kamalian ng nakaraan. Kung hindi magbabayad ang mga nagkasala, parang tayo na rin mismo ang nag-imbita sa mga nagbabalak gumawa ng masama na umulit muli.
Sa kanyang SONA ay inihayag din ni Pangulong Aquino ang paghirang nito kay retired Associate Justice Conchita Carpio-Morales bilang susunod na Ombudsman, si Morales ay dumalo sa SONA at agad siyang tumayo at nagpa­salamat nang banggitin ang kanyang pangalan.
Si Morales umano ang magiging katuwang ng pamahalaan para sa paghahabol sa mga nagkasalang opisyal na inasahang nga­yong taon umano ay mauumpisahang makakasuhan, ang nominasyon ni Morales ay una nang hinarang ni Arroyo sa Judicial and Bar Council (JBC) at ikinatwirang hindi umano independent ang mahistrado batay na rin sa mga desisyon nito at nangangamba si Arroyo na pepersonalin siya nito sa oras na mahirang sa Ombudsman
Ipinagtanggol din ni Pangulong Aquino ang desisyon nito na suspendihin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections na siya umanong solusyon para makamtan ang tunay na pagbabago sa rehiyon.Hindi pinalampas ni Pangulong Aquino ang pagpuna sa bulok na sistema sa ARMM gayundin ang naganap na dayaan dito noong 2007 senatorial election.
Ang baluktot na pamamalakad sa ARMM ay pinatunayan pa ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng COA report noong 2008 at 2009 na 80% umano ang naging cash advances ng mga local na opisyal para lamang sa mga “ghost projects”.
Ipinarada rin ni Pangulong Aquino ang kanyang mga naging accomplishments sa loob ng isang taon nitong panunungkulan.
Una umano rito ang pagbaba ng bilang ng mga nagugutom na Filipino na nakakain na umano ng tama; panunumbalik ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan; unti-unting pag-alis sa mga katiwalaan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno; pagtaas ng lokal na produksiyon ng bigas dahil sa tulong ng maayos na pamamalakad sa rice productivity mula sa paggamit ng mainam na binhi at maayos na irigasyon. Hindi na umano kailangan na mag-angkat ng sobra-sobrang bigas.
Kasama rin ang pagkakaloob ng pabahay sa mga sundalo at pulis, pag­lilinis sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); nabawasan ang bilang unemployment.
Samantala, kapansin-pansin na bukod sa dating Pangulo, hindi rin dumalo sa SONA ang mga anak nitong sina Camarines Sur Rep. Dios­dado ‘Dato’ Arroyo, Ang Galing Pinoy partylist Rep. Mikey Arroyo at si Negros Occidental Rep. Ignacio ‘Iggy’ Arroyo.
Gayunpaman, dumalo ang mga Arroyo sa opening ng second regular session ng ika-15th Kongreso alas-10:00 ng umaga kahapon.
Boykot din ang tatlong na senador na kinabibilangan nina Senators Joker Arroyo, Juan Miguel Zubiri, at Manuel Villar.(RENE TUBONGBANUA/CES JARENCIO/LORENZO TAMPOS/RHOMMEL RENTORIA/KAREN GRAMPIL & RONALD BULA)